Mga tagasunod

Miyerkules, Enero 16, 2013


Sa hitik na yaman nitong kalikasan,
Hindi magugutom, hindi magkukulang,
Pilipinas na Ina ng mamamayan,
Kumakandili nga sa buting kandungan.

Ang mga dagat at kailaliman,

Saganang pagkai’t mga pangisdaan,
Ang lalim na tubig na asul sa kulay,
Ay siyang panlinis sa lupang katawan.

Ang mga gubat na hitik sa bunga,

Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,
At pati hayop sa dulong kabila,
Nabubusog din at nagpapakasawa!

Ang mga lupa sa luntiang bukid,

Ay pakikinabangan kapag pinilit,
Magtanim lamang ng palay o mais,
At tiyak na kakain sa oras ng gipit!

Mahalin ang bayan saan man pumunta,

Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,
Ibiging mabuti at maging malaya,
Upang manatili ang Inang dakila!

Ang
tula ay alay sa mahal na bansa,
Pagkat ako’y kanyang inaaruga,
Itong Pilipinas na bayan ko’t ina,
Mamahalin ko saan man pumunta! 

                       ni: Avon Adarna







 Ito ang Pambansang Awit . Ang titik ng pambansang awit ay sinulat ni Jose Palma, isang 23 taong gulang na kawal. Sumulat siya ng tula na pinamagatang Pilipinas. Ito`y iniakma sa komposisyon ni Julian Felipe. 


Pagkaing Pinoy 





                  Ito ang Mga Pabotirong Pagkain ng mga Pinoy , dapat natin ipagmalaki
                  ang mga Pagkain natin dahil ito ay masasarap tulad nalang na Paboritong
                handa tuwing may Okasyon ito ay ang Pancit na karamihan sa mga Pinoy
                    ito ang Hilig dahil hindi alng masarap may Bitamina pa nanakukuha . 
                    Kaya dapat natin ipagmalaki ang Pagkaing Pinoy .


                                             Puerto Princesa

                          Ito ang Puerto Princesa isa sa mga Lugar na dinadayuhan
                          ng mga pilipino at isa Sa mga 7 Wonders Of The World . 
                 Sikat ito sapagkat sa /natural nitong kagandahan at marami kang 
                 makikita na Magagandang Tanawin tulad ng Under Ground  River 
                  kung Saan Makikita mo ang maraming Paniki . Ipagmalaki Natin Ito .

Wikang Pilipino 
      Ang Wikang Pilipino ay dapat 
natin pahalagahan  dahil ito ang 
ating wikang kinalakihan . Isang
layunin ng pagkakaroon ng isang 
wikang pambansa ang pagpapalaganap 
ng pagkakaisang pambansa, ang 
pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal 
na pagkakapatiran, at maging ang 
pagkakaroon ng isang sumasagisag na
 pambansang wika ng isang bansa.
Mahalin natin ang ating Wika , 
Maging tayo man ay nasa Ibang Bansa 
ipalaganap ang Wikang Pilipino
ng Sa Kasalukuyan tayo Ay Maging
 Maginhawa . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento